Libreng sakay sa MRT
Metro

Libreng sakay sa MRT -3, LRT-2 at PNR sa mga estudyante, umarangkada na

UMARANGKADA na ngayong araw ang Libreng sakay sa MRT -3, LRT-2 at PNR sa mga mag-aaral.

Simula 5:00 hanggang 6:30 ngayong umaga, ipinatupad ng MRT-3 ang naturang libre-sakay.

Epektibo naman ang student free ride ng LRT-2 mula 4:30 – 6:00 ng umaga habang 5:00 – 6:00 naman sa PNR.

Muli namang nanakapag-avail ng libre-sakay ang mga mag-aaral mamayang 3:00 – 4:30 sa mrt-3, 3:00 pm – 4:30 pm sa lrt-2 at 3:00 pm – 4:00 pm sa PNR.

Para sa unang bahagi ng implementasyon ng free ride, maaaring ipresinta lang ang school ID upang makakuha ng libreng sakay sa mga naturang rail line sa mga piling oras.

Gayunman, inaanyayahan naman ang mga interesadong mag-aaral na mag-apply ng student free ride ID sa official website ng Department of Transportation at i-click ang “student free ride ID (trains)” button.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *