Libreng sakay sa bakunadong APORs sa LRT-2, tuloy pa rin sa MECQ

Libreng sakay sa bakunadong APORs sa LRT-2, tuloy pa rin sa MECQ

LIBRE pa rin ang sakay sa  Light Rail Transit  (LRT)-2 ngayong pinalawig pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila hanggang Setyembre a-kinse.

Gayunman, tanging mga bakunadong  Authorized Person Outside Residence (APOR) pa rin ang maaring maka-avail ng libreng sakay sa nasabing tren.

Ayon sa LRT authority, kinakailangan lamang i-presenta ang vaccination card, ito man ay unang dose o fully vaccinated.

Ang oras ng free ride ay ipatutupad tuwing 5 a.m. hanggang 7 a.m., 9 a.m. 5 p.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Palasyo, sinabing mananatili sa MECQ ang NCR; GCQ with alert levels, ipagpapaliban muna

Mananatali pa rin sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila hanggang ika-15 ng Setyembre.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Dahil dito, ipagbabawal pa rin ang indoor, al-fresco dine-in services, personal care services gaya ng beauty salons, beauty parlors at nail spas.

Pagdating naman sa mga religious gathering, maaari itong gawin sa pamamagitan ng online video recording at transmission.

Samantala, ang mga immediate family members lamang ang maaaring dumalo sa funeral service ng isang tao na namatay dahil sa COVID-19.

SMNI NEWS