California wildfire
International

Libo-libong residente sa Los Angeles, napilitang lumikas dahil sa patuloy na pagkalat ng California wildfire

MATAPOS lamang maapula ang apoy sa Kincade ay muling sumiklab ang panibagong wildfire sa bahagi ng Los Angeles, California nitong lunes.

Sumiklab ang wildfire sa 405 freeway malapit sa Getty Center  sa Los Angeles, California bandang 1:30 ng madaling-araw noong lunes dahilang upang libo-libo katao ang napilitan lumikas kabilang na ang NBA star na si LeBron James at ang hollywood actor at dating state governor na si Arnold Schwarzenegger

Tumupok naman ng nasa 250 ektarya ang apoy kung saan walong bahay ang nasunog at limang iba pa ang nasira habang nasa 10,000 istruktura na nanganganib mula sa apoy at sumailalim na sa mandatory evacuation zone.

Kaugnay nito ay umabot na sa mahigit 30,000 ektarya ang tinupok ng Kincade Fire sa Northern California na sumira ng nasa mahigt 100 gusali at kabahayan habang inabisuhan na ang nasa 200,000 na katao na lumikas.

Maliban sa Kincade at Getty ay tinatangka rin pigilan ng firefighters ang pagkalat ng apoy sa Calabasas, California habang tinataya naman ng energy company na PG&E na nasa mahigit 500,000 hanggang 600,000 na customers ang maaapektuhan ng power cuts bunsod ng wildfire.

Brexit deadline, muling na-delay sa pangalawang pagkakataon

SA United Kingdom, pumayag na ang European Union na muling madelay ang brexit deadline hanggang sa ika-31 ng enero taong 2019.

Nanindigan naman si UK Prime Minister Boris Johnson na hindi siya bababa sa pwesto sa kabila ng hindi pagkakatupad ng kanyang “do or die” promise na tuluyang kakalas ang Britain sa European Union ngayong ika -31 ng Oktubre.

Hindi rin nagtagumpay si Johnson na makakuha ng sapat na boto upang maisagawa ang isang snap election sa ika-12 ng Disyembre na layuning makakuha ng sapat na suporta upang maipasa ang kanyang divorce deal sa Brussels.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na naantala ang Brexit deadline simula ng maipanalo ang 2016 referendum kaugnay sa pagkalas ng Britain mula sa EU.

Saudi Arabia at Amerika, magtutulungan upang siguruhin ang global energy supply

NAGKASUNDO ang mga kinatawan ng Saudi at Amerika nitong lunes na siguruhin na may sapat na global energy supply sa world market.

Sa pagkikita ni Saudi Energy Minister Prince Abdulaziz Bin Salman at U.S. Energy Secretary Rick Perry sa Riyadh kahapon ay pinag-usapan ng dalawang kinatawan ang stability ng oil markets, mga posibleng banta sa Oil Facilities sa Gulf region at  pakikipag-ugnayan sa mga OPEC countries o grupo ng mga bansa na itinuturing na major exporter ng langis sa mundo.

Nangako rin ang Saudi na mas paiigtingin pa ang papel nito bilang reliable na supplier ng crude oil sa world market.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *