Libo-libong mga bata sa Rodriguez, Rizal, nakatanggap ng regalo mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Libo-libong mga bata sa Rodriguez, Rizal, nakatanggap ng regalo mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

BIGLANG napawi ang lungkot sa mga mukha ng mga bata sa Kasiglahan Village Brgy San Jose bayan ng Rodriguez sa Rizal, nang bisitahin ng Children’s Joy Foundation Incorporated ang lugar na nilubog ng tubig-baha nang manalasa ang Bagyong Ulysses sa Kalakhang Maynila.

Isa-isang pumila ang mga bata, at isa-isang binigyan ng pagkain, sunod ay mga stuff toys, school supplies at unlimited na mga laruan.

Buong lugar ay natuwa habang sumasayaw ang mga bata sa saliw na mga tugtugin kasabay ng pamamahagi ng mga regalo para sa kanila.

karamihan sa mga ito ay halos di nagkandaugaga sa pagbitbit ng kanilang mga tinanggap na regalo.

Samantala, batay sa kwento ng mga residente sa lugar, nag-iwan ng makapal na putik na bumabalot sa mga daan at kabahayan ng Rodriguez ang nasabing bagyo.

Ilan sa mga lubhang nalubog sa baha ang Brgy San Jose Kasiglahan Village, Phase 1 K1, K2, Phase 1B, at Phase 1D.

Sa kwento ng mga residente, nagmistulang dagat ang kanilang lugar dahil napakataas na tubig baha na binalot sa kanilang lugar

Karamihan din sa kanila ay inabot pa ng dalawang araw bago tuluyang nakaligo at nakapagpalit ng damit dahil sa kawalan ng suplay ng malinis na tubig, at kuryente.

Dahil marami pa rin sa kanila ang hindi pa makabalik sa kanilang mga tahanan, dahil sa mga naiwan pa rin na makapal na putik sa mga tahanan nito.

Bukod sa Children’s Joy Foundation, nakiisa din sa aktibidad ang Sonshine Philippines Movement para sa mga maapektuhan pamilya ng nagdaang kalamidad.

Ang parehong organisasyon ay pawang pinamumunuan ng butihing Pastor Apollo C. Quiboloy na parehong layon na bigyan ng pag-asa ang mga nasa kapighatian lalo na sa mga bata kungsaan sa murang edad ay biktima na ng kalamidad, trahedya at kahirapan.

At sa mumunting kasiyahan na handog ng butihing Pastor, ay tuluyang mapawi sa kanilang iisipan ang mga alaalang nagdudulot ng lungkot at ngayon ay mapalitan ng ngiti at saya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *