Showbiz

Liam Hemsworth, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Miley Cyrus

MATAPOS ang ilang araw na pananahimik, binasag na ng Hollywood actor na si Liam Hemsworth ang kaniyang katahimikan kaugnay ng napabalitang hiwalayan nito sa pop superstar na si Miley Cyrus.

Sa social media, kinumpirma na rin ni Liam ang paghihiwalay nila ng asawa walong buwan matapos silang mag-isang dibdib sa isang secret intimate wedding noong Disyembre.

Say ni Liam, wala siyang ibang hiling para sa dating kabiyak kundi mabuting kalusugan at ang walang humpay na kaligayahan para dito.

Iginiit din nito na hindi na siya magbibigay pa ng ibang komento o pahayag sa media patungkol sa kanilang break-up kaya kung mapaulat na pahayag niya ay walang katotohanan.

Aniya, isang pribadong isyu sa kanilang relasyon ang naturang paghihiwalay kung kaya mas makabubuting manatili itong sa pagitan nilang dalawa.

Magugunitang noong linggo nang maglabas ng pahayag ang kampo ni Miley patungkol sa pagpapasya nila ni Liam na tapusin ang kanilang pagsasama.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *