Leyte Congressman-Elect
National

Leyte Congressman-Elect Romualdez, hangad makuha ang speakership sa 18th Congress

KINUMPIRMA ni Leyte Congressman-Elect Martin Romualdez ng Lakas CMD na hangad niyang makuha ang speakership sa nalalapit ng 18th Congress.

Ayon sa Romualdez, nagpaalam na siya kay Pangulong Rodrigo Duterte, mga opisyal ng Lakas CMD at kay speaker Gloria Macapagal Arroyo ukol sa kanyang planong pagtakbo bilang House Speaker.

Tumanggi naman ang kongresista na magkomento sa pagtanggi ni Davao City Mayor sara Duterte na nirekomenda siya nito para sa posisyon.

Aniya, respetuhin na lamang ang sinabi ng alkalde.

Si Romualdez ay magbabalik sa Kamara matapos ang tatlong taong pagpapahinga.

Nagsilbi ito bilang Leyte congressman mula 2007 hanggang 2016.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *