Leylah Fernandez at Alex Eala pasok sa tennis US Open

Leylah Fernandez at Alex Eala pasok sa tennis US Open

MATAPOS talunin ang fifth seed na si Elina Svitolina ng Ukraine, pasok na ngayon sa semifinals ng US Open ang Filipina-Canadian tennis player na si Leylah Fernandez.

Unang tinalo ni Fernandez sa unang round ng tournament ang mga top seed player an sina Naomi Osaka at Angelique Kerber.

Makakaharap naman ng 19-anyos tennis player ang sinumang mananalo kina Aryna Sabalneka ng Belarus at Barbora Krejcikova ng Czech Republic.

Samantala, pasok na rin sa second round ng us open girls tournament ang Pinay tennis player na si Alex Eala.

Ito’y matapos talunin ni Eala si Charlotte Owensby ng U.S sa opening round ng laro sa iskor na 6-3, 6-3.

Susunod naman na makakaharap ni Eala si Michaela Laki ng Greece.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *