Legasiya at plano laban sa COVID-19 pandemic ng Duterte admin, dapat highlights sa SONA 2021—Zubiri

Legasiya at plano laban sa COVID-19 pandemic ng Duterte admin, dapat highlights sa SONA 2021—Zubiri

MAS mainam na legasiya ng Duterte administration at ang plano nito sa susunod na labingdalawang buwan lalo na sa laban kontra COVID-19 pandemic ang magiging higlights sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang suhestiyon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ngayong ika-anim na Sona ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.

Lahat ng achievements ng administrasyon sa nakalipas na limang taon ay magandang maibida gaya aniya ng universal health care, free college education, kapayapaan sa Mindanao sa pamamagitan ng Bangsamoro Organic Law, Build Build Build program at iba pa.

kasabay na rin dito ani Senator Zubiri ang mga plano ni Pangulong Duterte para mapaandar ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya.

Sa Senado naman ayon sa senador, marami pa silang ipapasang mga nakabinbin na panukala gaya ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos, modernisasyon ng Bureau of Fire Protection at iba pa.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *