BusinessNational

Legalidad ng land title ng ABS-CBN compound, pinaiimbestigahan

 

PAIIMBESTIGAHAN ni Deputy House Speaker Rodante Marcoleta kung tunay na may hawak na original land title ang ABS-CBN para sa compound nito sa Quezon City.

 

Ayon kay Marcoleta, kung walang orihinal na titulo posibleng kunin at i-take over ng pamahalaan ang compound ng network.

 

Iginiit ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta na paiimbestigahan niya ang legalidad ng titulo ng 4.4 hectares na lawak ng ABS-CBN compound sa Mother Ignacia Quezon City.

 

Aniya, dapat ay maipakita ng ABS-CBN management ang orihinal na land title na magpapatunay ng kanilang pag-aari sa lupang tinitirikan ng kanilang himpilan.

 

“Nagtataka nga ako Mike bakit ung pinagkunan nila ng titulo 42 sq meters. Pagkatapos  ung kanilang title 125702, may kakambal pang title so dalawang title na pareho ang number, parehong Quezon City,” ani Marcoleta.

 

Kung walang ebidensyang maipapakita, giit ni Marcoleta na maaring bawiin ng gobyerno at lahat ng building at facilities sa ABS-CBN compound pati na ang broadcast tower nito.

 

“Kung wala ka namang titulo diyan, ang lahat ng mga pasilidad na nakatayo diyan sa lupa na ‘yan pag-aari ng gobyerno ‘yan,” aniya pa.

 

Ngayong Miyerkules, magkakaroon ulit ng imbestigasyon ang House Blue Ribbon Committee para talakayin ang iba pang ABS-CBN issues na hindi gaanong natalakay sa komite.

 

“Mapipilitan akong sumama doon Mike, sapagka’t babantayan ko ung mga isyung tinalakay namin na hindi na namin tinapos doon sapagka’t ang usapan ay tatalakayin na lamang sa komite,” dagdag ng kongresista.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close