Legal counsel ni Pharmally Director Ong, pinalagan ang partial report ng Senate Blue Ribbon

Legal counsel ni Pharmally Director Ong, pinalagan ang partial report ng Senate Blue Ribbon

PINALAGAN ni Attorney Ferdinand Topacio ang legal counsel ni Pharmally Director Linconn Ong ang partial report ng Senate Blue Ribbon.

Kinuwestyon ni Atty. Topacio ang pagpapalabas ng partial report ng Senate Blue Ribbon. Sakabila aniya na napakahaba at napakadami na ng pagdinig ay hindi pa rin makabuo-buo ng committee report ang komite.

Ayon kay Topacio sakabila na napakahaba na ng pagdinig ang ginawa ng senado ay initial o partial report pa lamang ang nagagawa ng Senate Blue Ribbon bagay aniya na napakapagtataka.

Napag-alaman na naka 12 pagdinig na ang komite at may kasunod pang hearing sa October 28.

‘’Why are they releasing a piecemeal? Is it because it is election season and they want to milk this affair out of every possible media mileage that they can get out of it,’’ayon kay Topacio.

Ayon kay Topacio dahil sa pautay-utay na paggawa ng report ay maaring demoliton job lamang ito ng mga senador.

Giit nito na patuloy na pinapahaba ang pagdinig at dinedelay ang buong report dahil sa paggawa ng hearing in aid of election.

Sa partial report ay inirerekomenda ng senate blue ribbon na masampahan ang mga opisyal ng pharmally.

Perjury o false testimony ang isa sa kaso na irerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee laban kina Pharmally executives Linconn Ong at Krizle Grace Mago.

Irerekomenda din ng blue ribbon na maging liable sa falsification of public documents ang OIC sa inspection division ng procurement service ng DBM na sina Jorge Mendoza at PS-DBM inspector Mervin Tanquintic dahil sa pag-amin ng mga ito na dalawang beses silang lumagda sa inspection report kahit nasa China pa ang ibang mga COVID-19 medical supplies.

Disobedience to summon reklamo naman ng komite nina Pharmally executives Linconn Ong, magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani at Michael Yang.

Inirekomenda rin ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng mga kaso para masuportahan ang pagpapadeport ng Presidential Economic adviser Michael Yang.

Rekomendasyon din ng komite na kasuhan si Yang at si dating PS-DBM chief Christopher Llyod Lao ng paglabag sa RA 3019 o Anti-graft & corrupt practices Act, Perjury o False testimony at disobedience to summon issued by congress.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *