Minicamp
Sports

Lebron James at Stephen Curry, hindi lalahok sa USA Minicamp

Una ng nabalita ang hindi paglalaro ng 4-time MVP na si Lebron James sa darating na USA Minicamp sa Las Vegas.

At pagkaraan ng isang araw ay sinundan din ito ng report na hindi rin lalahok ang Golden State Warriors star player na si Stephen Curry.

Sinasabing, ang 33-anyos na si James na kakalipat lamang ng koponan ay maglalagi at mag-oobserba sa mga magiging laro ng LA Lakers sa NBA Summer League ngayong darating na linggo.

Samantala, mas pinili naman ni 2-time MVP Stephen Curry na makasama ang pamilya lalo na at kakasilang lang ng kanyang bagong anak.

Nitong Abril lang inanunsyo ng Team USA na kabilang sina James at Curry sa 35-player pool at mula rito ay kukuha sila ng 12 players para sa 2019 FIBA World Cup sa China at 2020 Summer Olympics sa Tokyo Japan.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *