Lebanon PM Hassan Diab, tiniyak na mananagot ang nasa likod ng Beirut explosion

Lebanon PM Hassan Diab, tiniyak na mananagot ang nasa likod ng Beirut explosion

TINIYAK ni Lebanon Prime Minister Hassan Diab na mananagot ang nasa likod ng pagsabog sa Beirut port.

Sa isang televised address, sinabi ni Diab na gagawin nila ang lahat upang mapanagot ang sinumang posibleng nasa likod ng malagim na pagsabog.

Batay sa taya ng Ministry of Health ng Lebanon, hindi bababa sa limampung katao ang nasawi habang libu-libo naman ang naitala nilang sugatan matapos ang insidente.

Lumalabas naman sa inisyal na report, posibleng nagmula ang pagsabog sa isang warehouse sa naturang lugar kung saan nakaimbak ang mga nakumpiskang “explosive materials” simula noong 2014.

Samantala, nanawagan si Prime Minister Diab sa international community ng tulong para matugunan ang pangangailangan ng mga naitalang sugatan sa pagsabog.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *