League of Municipalities of the Philippines, nagbigay ng libreng automated payment machines sa Quezon City

League of Municipalities of the Philippines, nagbigay ng libreng automated payment machines sa Quezon City

DAHIL sa lumalalang kaso ng COVID-19 sa bansa kungsaan isa ang Quezon City sa may malaking kontribusyon ng bilang ng COVID-19, pinasalamatan nito ang pamunuan ng League of Municipalities of the Philippines matapos itong mag-donate ng siyam na libreng kiosk o automated payment machines na pinagmamay-arian ni Narvacan City Mayor Chavit Singson.

Si Singson din ang kasalukuyang tagapangulo ng League of Municipalities of the Philippines o LMP.

Gagamitin ang nasabing makina para sa iba’t ibang uri ng transaksiyon sa lungsod lalo pa’t istrikto na ring ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang cashless payment sa mga bayarin ng isang indibidwal.

Makatutulong din ito para maiwasan ang posibleng hawaan ng sakit sa mga pagpipila sa mga opisina at ahensiya.

Sa ngayon, may ilang strategic areas nang naisip ang LGU ng Quezon City kung saan ilalagay ang nasabing mga makina partikular na sa mga matataong lugar gaya ng mga palengke at kung magiging epektibo sa pagsusulong ng cashless transaction at posibleng buong barangay ng lungsod ay malagyan ng mga APM.

Samantala, nilinaw mismo ni Mayor Joy Belmonte na hinihintay pa nito ang abiso o  desisyon ng Inter-Agency Task Force matapos magkaisa ang buong miyembro ng Metro Manila Council sa pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo nito bilang pagtugon sa pag-obserba sa social distancing at pagbabawal sa mass gatherings ngayong papalapit na undas.

Ayon sa MMC, isasara ang lahat ng mga sementeryo sa Metro Manila sa panahon ng undas.

Ito ang napagdesisyunan ng lahat ng mga alkalde sa Kamaynilaan kaugnay sa naturang usapin.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ilalatag pa ang mga panuntunan para dito.

Mababatid na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang nag-anunsyo na sarado ang lahat ng mga sementeryo at columbaries mula Oct. 31 hanggang Nov. 3.

Ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Pero para sa Quezon City, ayaw muna nitong pangunahan ang IATF sa desisyon pero bukas ito sa posibilidad na magsara ng kanilang mga sementeryo kung kinakailangan.

Dahil sa pandemiya, sa kauna-unahang pagkakataon, walang paggunita na gagawin ang bansa sa mga sementeryo lalo na sa Metro Manila ito’y dahil sa malawak na banta ng COVID-19 habang wala pa ring tugon ang IATF kaugnay naman sa mungkahi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na gawing alphabetical ang pagbisita sa mga puntod para malimitahan ang siksikan ng mga tao sa sementeryo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *