nagbigay
Showbiz

Lead actor ng pelikulang “Thor”, nagbigay ng isang milyong dolyar na donasyon sa mga biktima ng wildfire sa Australia

NAGBIGAY ng isang milyong dolyar na donasyon ang lead actor ng pelikulang Thor na si Chris Hemsworth bilang tulong sa mga biktima ng wildfire sa Australia.

Kasabay nito, nanawagan din ang actor sa mga kapwa niya artista  na magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng nagaganap na bushfire sa South Wales.

Nauna ng nagbigay ng donasyon ang mag-asawang Nicole Kidman at Keith Urban ng $500,000 dollars para sa mga biktima ng wilfire.

Plano rin magbigay ng tig-limang libong dolyar na donasyon ang singer na sina Kylie Minogue at Pink.

Sa ngayon ay nasa dalawang libong kabahayan na at dalawampung katao na ang nasawi sa naganap na wildfire sa Australia na nagsimula pa noong Setyembre 2019.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *