motorcycle taxi
Business National

LCSP, hindi sang-ayon sa paglagay ng 10K cap per motorcycle taxi player

HINDI sang-ayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa desisyon ng Technical Working Group (TWG) na 10,000 cap per player sa mga motorcycle taxi.

Sa panayam ng SMNI News at Sonshine Radio, sinabi ni LCSP Founding President Ariel Inton, dapat ay bigyan ng TWG ng kalayaan ang mga riders na pumili kung saan nito nais mapabilang na player.

Bagaman dapat lamang aniya ay mayroong kompetisyon ay hindi nito kinakailangan na magpatupad ng equal division sa 30,000 na industry cap.

“Bakit sila nag-deviate dito sa umiiral na patakaran sa Grab? Dun sa ginawa nila sa Grab tsaka sa lima hindi sila nag divide-divide na tagsasampung libo. Binigyan nila ng kalayaan yung mga may sasakyan na pumili. So nagtatanong kami, ano ang rason ba’t iniba niyo yun ano dyan? Eh kung lumagay ka don sa may motorsiklo? Bakit ba pipilitin mo ko sa naguumpisa pa lang?” pahayag ni Inton.

Naniniwala din ang LCSP na hindi kinakailangan pang palawigin ang test-run at sapat na ang naunang 6 na buwan upang masuri ang kaligtasan ng motorcycle taxi.

“Wag na tayong puro test-test, kung kinakailangan ng pasahero yan, naniniwala tayo… aba’y ideretso na natin! Huwag na tayong recommendation… kasi sabi ng technical working group na bago… Kaya namin in-extend ng 3 buwan para makita naman yung safety… yung anim na buwan ba hindi pa natin nakita?” aniya pa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *