Launching film na ‘Runaway’ ni Maureen Wroblewitz, hindi muna maipapalabas

Launching film na ‘Runaway’ ni Maureen Wroblewitz, hindi muna maipapalabas

HINDI muna ipalalabas sa global streaming ang launching movie na ‘Runaway’ ni Maureen Wroblewitz.

Ito’y dahil tatapusin muna ng 23-year-old model ang paghahanda para sa grand finals ng Miss Universe Philippines 2021 na magaganap sa Setyembre a-bente singko.

Pabor naman dito si Maureen para matutukan ang paghahanda sa pageant at hindi mahahati ang panahon niya sakaling sisimulan na ang pagpo-promote ng pelikula.

Unang itinakda ang world streaming ng ‘Runaway’ noong Setyembre a-tres.

Si Maureen ang kauna unahang Pinay na nanalo noong 2017 bilang Asia’s Next Top Model Cycle 5.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *