Lasam
Regional

Lasam, Cagayan, isinailalim na sa State of Calamity dahil sa maraming kaso ng dengue

ISINAILALIM na rin sa – ang bayan ng Lasam, Cagayan dahil sa maraming kaso ng dengue.

Batay sa tala ng lokal na pamahalaan, umaabot na sa mahigit limampu ang tinamaan ng dengue mula noong buwan ng Enero, gayunman wala namang naiulat na binawian ng buhay.

Ayon kay Lasam Mayor Dexter Agatep, naaalarma na siya sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa kanilang lugar.

Sinabi ng alkalde na isa sa kaniyang nakikitang dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue ay ang mga nakatiwangwang na fishpond at ang mga Babuyan na hindi nalilinisan.

Kaugnay nito, inatasan na ng alkalde ang mga opisyal ng barangay, PNP at Bureau of Fire Protection na maglinis para hindi na madagdagan pa ang kaso ng dengue sa kanilang lugar.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *