Laro’t saya sa parke program ng PSC, muling inilunsad sa Davao del Norte

Laro’t saya sa parke program ng PSC, muling inilunsad sa Davao del Norte

MULING inilunsad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang laro’t saya sa parke program sa Davao del Norte.

Nasa pitumpung katao ang nakibahagi sa naturang programa na isinagawa nitong weekend sa Rotary and Freedom parks.

Ayon sa PSC, lahat ng staff sa naturang event ay fully-vaccinated laban sa COVID-19.

Nasunod rin ayon sa PSC ang health ang safety protocol kabilang na ang pagsusuot ng face mask.

Ilan naman sa naging aktibidad sa naturang programa ang Arnis, Taekwondo, Karatedo, Badminton, Shadow boxing, Table Tennis, Chess at Zumba.

Layon ng laro’t saya sa parke program ng PSC na magbigay kaalaman sa larangan ng palakasan sa mga kabataan sa grassroots at paghikayat sa mga nakatatanda na magkaroon ng healthy lifestyle.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *