Laos, sasailalim muli sa COVID-19 lockdown

Laos, sasailalim muli sa COVID-19 lockdown

SASAILALIM muli sa COVID-19 lockdown ang Laos dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nagpahayag ang pamahalaan ng Laos na kinakailangang sumailalim muli ang bansa sa COVID-19 lockdown dahil narin sa pagtaas ng hawaan ng pandemya.

Ayon sa Deputy Head ng Prime Minister’s Office Thipphakone Chanthavongsa ginagawa na ngayon ng pamahalaan ang kanilang makakaya upang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Magpapatupad rin ng mas striktong health protocols ang Laos maging ang social distancing upang maibsan ang pagkalat ng pandemya.

Ayon naman sa National Task Force Committee for COVID-19 prevention and control nadagdagan ng 23 bagong kaso ng COVID-19 ang bansa at 335 na local transmitted cases.

Samantala, inaasahang matatapos ngayong Octubre 15, ang pagpapatupad ng COVID-19 lockdown sa Laos.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *