Laos, magtatayo ng unang University hospital

Laos, magtatayo ng unang University hospital

MAGTATAYO ng unang University hospital ang bansang Laos.

Sumang-ayon ang Seoul National University Hospital ng Republic of Korea na tulungan ang ministry of health ng bansang Laos sa pagtatayo ng ospital sa isang unibersidad.

Ito’y upang mapahusay ang medical services, magbigay ng professional training, at mapaganda ang health and medical environment ng bansa.

Kasunod ng pagtatayo ng ospital ay magbibigay ang SNUH ng serbisyong medikal para sa 24 na departamento at clinic kabilang ang simulation center at iba pang pasilidad.

Kaugnay nito ay iimbitahan ng SNUH ang mga staff ng Lao na magtraining sa Korea sa loob ng 4t na taon.

Samantala, inaasahan na bababa na ang bilang ng mga taong maghahanap pa ng medical care sa ibang bansa oras na mabuksan na ang nasabing ospital.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *