Lalawigan ng Maguindanao, itatayo ang 50 Solar-Powered Core Shelters

Lalawigan ng Maguindanao, itatayo ang 50 Solar-Powered Core Shelters

ITATAYO sa Lalawigan ng Maguindanao ang 50 Solar-Powered Core Shelters o pabahay sa ilalim ng pangangasiwa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o Barmm.

Ayon kay Deputy Project Manager Abdulnasser Usman, ang naturang pabahay na nagkakahalaga ng P23 milyong piso ay itatayo sa Sitio Tamigin, Barangay Tariken sa Sultan Mastuera, Maguindanao.

Bahagi aniya ito ng ‘kapayapaan sa pamayanan’ o kapyanan project ng Barmm na layuning maisulong ang estado sa Lalawigan ng Maguindanao ang pamumuhay ng mahihirap lalo na sa panahon ng pandemya.

Inihayag naman ni Usman na ang mga makabenepisyo sa naturang pabahay project ay ang mga nawalan ng tahanan o ang mga naapektuhan sa giyera sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at ng mga rebeldeng muslim noon.

Target naman itong matatapos sa disyembre ngayong taon.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *