Lakers, wagi sa Game 1 ng NBA Finals laban sa Miami Heat

Lakers, wagi sa Game 1 ng NBA Finals laban sa Miami Heat

NAKUHA ng Los Angeles Lakers ang panalo sa unang game ng NBA Finals laban sa Miami Heat.

Tinalo ng Lakers ang Heat sa iskor na 116-98.

Sa kanilang laban, hindi pinaporma ng Lakers ang Miami sa second at third quarter ng kanilang laro kung saan inilayo ng koponan ang kanilang kalamangan 93 to 67.

Nanguna naman para sa panalo ng L.A. si Anthony Davis na gumawa ng 34 points, 9 rebounds, 5 assists habang nag-ambag si Lebron James ng 25 points, 13 rebounds, at 9 assists.

Para naman sa Miami, gumawa ng 23 points si Jimmy Butler habang nag-ambag ng 14 points ang rookie na si Tyler Herro.

Gaganapin ang Game 2 sa pagitan ng dalawang koponan sa Sabado o Linggo, oras dito sa Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *