muling pangungunahan
Sports

Lakers Star Lebron James at reigning MVP Giannis Antetokounmpo, muling pangungunahan ang All-Star Game ngayong taon

MULING magtatagisan ang team Lebron at team Antetokounmpo sa nalalapit na NBA All-Star Game 2020.

Ito ay pagkaraang manguna ang dalawang star players sa NBA fan voting.

Nakakuha ang Lakers forward Lebron James ng di bababa sa 3.2 million votes para makuha ang top spot sa Western Conference.

Di naman lalagpas sa 3.3 million votes ang nakuha ng reigning MVP at Milwaukee Bucks player na si Giannis Antetokounmpo mula sa Eastern Conference.

Mangyayari naman ang pagpili ng mga team leader sa kanilang mga makakasama sa koponan sa Jan 23.

Habang iaanunsyo naman sa jan. 30 ang mga mapipiling reserves ng mga NBA coaches.

Magaganap ang NBA All-Star Game sa February 16 sa Chicago.

 

 SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *