Lakers, palapit na sa Western Conference Finals matapos talunin ang Rockets sa Game 4

Lakers, palapit na sa Western Conference Finals matapos talunin ang Rockets sa Game 4

LUMAPIT pa ang Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals matapos nitong payukuin ang Houston Rockets sa kanilang Game 4 Series.

Tinalo ng Lakers ang Rockets sa iskor na 110-100.

Sa kanilang laro, dinomina ng Lakers ang first half kung saan lamang ang koponan ng 16 na puntos laban sa Rockets sa iskor na 57-41.

Nagawa pang mapaliit ng Rockets ang lamang ng Lakers sa limang puntos sa huling minuto ng kanilang laro.

Naging susi naman sa panalo ng Lakers si Anthony Davis na may double-double performance na 29 points at 12 rebounds habang nag-ambag naman si Lebron James ng 16 points at 15 rebounds.

Gaganapin naman ang game sa pagitan ng dalawang koponan sa linggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *