Lahat ng vendors sa 17 public market sa Maynila, isasailalim sa COVID-19 test

Lahat ng vendors sa 17 public market sa Maynila, isasailalim sa COVID-19 test

SA pagbubukas ng panibago o ikalawang RT-molecular lab sa Sta. Ana Hospital sa susunod na linggo ay ipinag-utos ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso na ang top priority sa mass testing ang lahat ng vendors mula sa 17 public market sa Lungsod ng Maynila.

Ito ang naging direktiba ni Mayor Isko kina Manila Health Department Director Dr. Poks Pangan, Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla at Market Administrator Zenaida Mapoy.

Upang tiyakin na ligtas ang mga mamimili sa mga public market mula sa sakit na COVID-19

Kasunod sa vendors sa market ay isusunod naman sa mass testing gamit ang gold standard ng COVID -19 ang mga tsuper ng pedicab, trycle, at pampasaherong jeep sa Maynila.

Matatandaan nitong Hunyo unang pinasinayaan ang COVID-19 testing lab sa Sta. Ana Hospital na  pinasinayaan ni Mayor Isko Domagoso ang kauna-unahang  molecular laboratory ng Sta. Ana Hospital na magproseso ng polymerase chain reaction o swab test.

Ayon pa kay Yorme sa gagawing pag-test sa mga vendor ay tiyak na mas ikatutuwa nila ito dahil hindi na kailangan pang gagastos ng P4,000 para lang magpa-test dahil sa hirap ng buhay.

Hindi lamang ang mga vendor ang magiging panatag kapag isinailalim na nga sa test ang mga ito pati na rin mismo ang mga mamimili ay magiging panatag na din.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *