Lacson, naniniwalang may iba pang dahilan sa pagkakalaya ni US Marine Pemberton

Lacson, naniniwalang may iba pang dahilan sa pagkakalaya ni US Marine Pemberton

MALAKI ang paniniwala ni Senator Panfilo Lacson na may iba pang kadahilanan ang naging paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Sa naging panayam ng SMNI News, iginiit ni Lacson na malamang ay may mga under fillings bukod pa sa naging kumpyutasyon sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) kung bakit napalaya ito nang mas maaga.

Masama rin aniya ang kanilang loob kasunod ng naging desisyon ng korte.

“Siyempre dahil Filipino yung biktima, foreigner yung suspect o yung na-convict – masama ang loob natin. Dahil kapag sinabing murder ang kaso, alam natin reclusion perpetua. So 40 years iyan. Eh, parang anim na taon lang yung pinagkakulong. Kaya lang hindi natin alam ang mga implicacies nito.”

               —Sen. Panfilo “Ping” Lacson

Samantala, kinwestyun rin ni Professor at Atty. Antonio La Viña ang pagpapalaya kay Pemberton kumpara sa mga matatandang political prisoners na matagal nang nasa kulungan at mag may mataas ang risk na mahawaan ng COVID-19.

“Maraming ibang mga tao, na hindi nabibigyan ng ganitong konsiderasyon. Matagal na sa bilangguan, lalo na ang mga political prisoners na way before Pang. Duterte time na dapat matagal na silang nire-release, matatanda na, may mga sakit na, pero hindi binibigyan ng ganitong konsiderasyon.”

              —Atty. Antonio La Viña, UP College of Law

Kahapon nang naglabas ng kautusan ang Olongapo City Regional Trial Court sa pagpapalaya ni US Marine Pemberton na siyang na convict dahil sa pagpatay kay transgender Jennifer Laude noong 2014.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *