sa Himalayas
International

Labi ng mga climbers na nawawala sa Himalayas, natagpuan na

NATAGPUAN na sa Himalayas ang mga labi ng climbers na naiulat na nawala sa bundok noong nakaraang buwan.

Pito sa mga ito ay narekober na habang patuloy pa din ang paghahanap sa ika-walong kasapi ng grupo.

Kabilang sa mga natagpuan ay ang apat na Briton, dalawang Amerikano, isang Australyano at Indianong tour guide na noon ay paakyat sana sa 2nd highest peak ng Himalayas.

Naiulat na nawawala ang mga climber sa gitna ng glacier na may altitude na 17,650 ft, malapit sa Nanda Devi noong Mayo 26.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *