Labi ng dating senador na si Ramon Revilla Sr., dadalhin sa Senado

Labi ng dating senador na si Ramon Revilla Sr., dadalhin sa Senado

BALAK dalhin ang labi ng pumanaw na si Jose Acuna Bautista o mas kilalang si Ramon Revilla Sr. sa Senado sa araw ng Miyerkules para bigyan ng tribute sa naging ambag nito sa bansa.

 

Biyernes ng hapon 05:22 nang binawian ng buhay ang 93-year old na si Revilla dahil sa heart failure at kasalukuyang nakaburol sa Revilla Compound., 305 Aguinaldo Hi-way, Bacoor City, Cavite.

 

Matatandaang una siyang sumikat bilang action star at nakilala sa mga pelikula gaya ng “Nardong Putik,” “Tiyagong Akyat,” “Pepeng Agimat,” at iba pang karakter.

 

Nakilala naman siya bilang “Ama ng Public Works Act” nang manungkulan bilang senador mula 1992 hanggang 2004.

 

Kinilala siyang Ama ng Public Works Act matapos siyang maging chairman ng Senate Public Works Committee at ang kaniyang authorship sa RA. 8150 na naging batas noong Sept. 08 1995.

 

Sa mga senador, unang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sina Senate President Tito Sotto at Senate Majority Floor Leader Migz Zubiri at pinapurihan ang pagiging public servant nito at naging ambag ni Revilla sa mundo ng pelikula.

 

Naka-half-mast naman ang watawat sa harap ng gusali ng Senado bilang pagluluksa sa pagyao ni Ramon Revilla.

 

Nagpaabot din ng pagdadalamhati ang Malacañang sa pagpanaw ng dating senador at action star.

 

Sa Miyerkules ay dadalhin nga ang labi ni Revilla sa Senado at sa araw ng Huwebes ang libing nito.

 

MARGOT GONZALES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *