tuloy na
Sports

Laban ng Ceres Negros FC at Shan United ng Myanmar sa Rizal Memorial Stadium, tuloy na ngayong araw

TULOY pa rin ang AFC Champions League playoff match sa pagitan ng Ceres Negros FC at Shan United ng Myanmar sa Rizal Memorial Stadium ngayong araw ng Martes.

Ito ay matapos ang pangamba na maapektuhan dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Ayon sa koponan na nasa Manila na ang mga committee ng Asian Football Confederation ganun din ang AFC representatives.

Maging ang ensayo nitong Lunes ng gabi ay itinuloy na rin ng dalawang koponan.

Kailangang manalo ang Negros Ceres para manguna sa group stage na siyang maglalagay sa kasaysayan ng Philppine Football.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *