Kylie Padilla, nagsalita na sa third-party issue nila ni JM de Guzman

Kylie Padilla, nagsalita na sa third-party issue nila ni JM de Guzman

NAGSALITA na ang aktres na si Kylie Padilla sa mga alegasyong siya ang may third-party kaya’t naghiwalay sila ng asawang si Aljur Abrenica.

 

Matatandaang matagal nanahimik si Kylie sa isyung hiwalayan nilang mag-asawa.

Isang netizen sa social media ang nagtanong kay Kylie kung totoo bang high maintenance ito at maraming mayayamang nanliligaw at isa na dito si JM de Guzman.

 

May iilang netizens din ang nagkompirma kay Kylie sa isyu na nahuli sila ni Aljur sa komunikasyon nila ni JM at derecho namang sinagot ni Kylie na magkaibigan lang sila ni JM at hindi totoo ang lahat.

 

Kasalungat naman ng pahayag ng kanyang ama na si Robin Padilla sa isang vlog kasama si Ogie Diaz na si Aljur ang nambabae.

 

Sa ngayon nasa moving on process na ang dalawa at sinusubukan din nila ang co-parenting status para sa kanilang dalawang anak.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *