Kylie Jenner, nangunguna bilang most followed woman sa Instagram

Kylie Jenner, nangunguna bilang most followed woman sa Instagram

NANGUNGUNA sa Instagram ang isa sa miyembro ng Kardashian Clan at Business Mogul na si Kylie Jenner sa most followed women in the world na may 301 million followers.

Nalampasan ng 24-year-old reality star Kylie Jenner ang pop singer na si Ariana Grande sa most followed sa nasabing social media giant.

Sumikat si Jenner bilang bahagi ng reality television show na “keeping up with the kardashians,” kasama ng kanyang mga kapatid na sina Kendall Jenner, Kim, Kourtney at Khloe Kardashian.

Kasabay sa kanyang kasikatan ang successful ‘kylie cosmetics’ make-up company nito na isa sa mga kumikitang brands sa business world.

Samantala, ang football sensation naman na si Cristiano Ronaldo ay nananatili pa rin sa may pinakamaraming Instagram followers sa buong mundo na may 389 million followers at nalagpasan ang kapwa footballer na si Lionel Messi na may 300 million followers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *