Kylie Jenner, inanunsyo ang pagbubuntis sa Baby No. 2

Kylie Jenner, inanunsyo ang pagbubuntis sa Baby No. 2

INANUNSYO ng 24 year old CEO at Founder ng Kylie Cosmetics na si Kylie Kristen Jenner ang pagbubuntis nito sa kanilang Baby Number 2.

 

Sa Instagram video na ipinost ni Kylie na may heart and pregnant belly emoji at isang pregnancy test na ikinatuwa naman ng kanyang boyfriend na si Travis Scott at anak na si Stormi.

 

Kasunod nito ay sabay-sabay silang nagpunta sa ospital para sa ultrasound ni Kylie.

 

Nasorpresa rin ang kanyang manager at ina na si Kris Jenner sa ipinakitang ultrasound photograph ng kanyang Baby Number 2.

 

“Stormi! We’re going to have a baby,”. “This is one of the happiest days of my life.” ani Kris Jenner.

 

Dahil dito, nagkaroon ng selebrasyon sa kanilang tahanan bilang pagtanggap ng buong pamilya sa paparating na munting angel.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *