kylian
Sports

Kylian Mbappe, ipagkakaloob ang napanalunan sa charity

Ipagkakaloob ng French footballer at bagong FIFA World Cup 2018 winner na si Kylian Mbappe ang kanyang napanalunan sa charity.

Ibibigay ng 19-year old forward ang kanyang napanalunang US$500, 000 sa Premiers de Cordee.

Ang Premiers de Cordee ay isang asosasyon na nagsasagawa ng mga sporting events para sa mga batang may kapansanan.

Kylian, Best Young Player

Binansagan si Mbappe bilang best young player sa FIFA World Cup 2018 matapos na mag-iskor ang footballer ng four goals sa tournament kabilang ang historic goal laban sa Croatia sa finals.

Si Mbappe ang pangalawang teenager na naka-iskor sa FIFA World Cup Finals pagkatapos kay Brazilian legend Pele noong 1958.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *