Kyle Kuzma, nakatanggap ng $40 million extension contract sa Lakers

Kyle Kuzma, nakatanggap ng $40 million extension contract sa Lakers

INANUNSYO ng Los Angeles Lakers na kinuha nila sila Kyle Kuzma sa isang multi-year extension.

Hindi ibinahagi ng Lakers ang terms ng kontrata ngunit base sa ulat ng ESPN, isa itong three-year contract na nagkakahalaga ng $40 million deal.

Ayon sa Spotrac, base sa deal ni Kuzma, kikita ito ng $12.35 million sa 2021-2022 at $13.33 million sa susunod na kampanya.

Sa ikatlong season naman sa 2023-2-24 ay isang player option na nagkakahalaga ng $14.32 million.

Si Kuzma ay may average na 16 points at 5.5 rebounds sa kanyang 208 na laro sa tatlong season nito sa NBA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *