Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 296,000

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 296,000

PUMALO na sa 296,755 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,180 na bagong kaso ngayong araw, Setyembre 24.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang NCR pa rin ang may pinakamaraming bagong kaso na may 805.

Sinundan ito ng Laguna na may 292; Batangas na may 152; Cavite na may 144 at Negros Occidental na may 87 new cases.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 59,700 ang naitalang active cases.

Umabot naman sa 231,928 ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 580 ngayong araw.

Habang pumalo na sa 5,127 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus matapos makapagtala ang DOH ng 36 new deaths.

Samantala, umabot na sa 10,424 ang bilang ng mga overseas Filipino na may kumpirmadong kaso sa COVID-19 sa ibang bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng anim na panibagong kaso.

Sa nasabing bilang ng confirmed cases, nasa 2,993 ang patuloy na nagpapagamot.

Umabot naman sa 6,645 ang bilang ng mga gumaling matapos itong madagdagan ng 16.

Habang nasa 786 na ang mga nasawing Pilipino sa ibang bansa.

Pinakamarami pa rin na tinamaan ng COVID-19 ang mga Pilipino na nasa Middle East na nakapatala ng 7,069 na kaso.

Sinundan ito ng Asia Pacific Region na may 1,370 cases, Europe na may 1,177 habang 808 sa Amerika.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *