Kuala Lumpur, isinailalim ng Full Movement Control Order

Kuala Lumpur, isinailalim ng Full Movement Control Order

ISINAILALIM ngayon sa Full Movement Control Order ang Kuala Lumpur, Malaysia kung saan naroon ang Embahada ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose sa panayam ng Laging Handa public briefing.

Ayon pa kay Ambassador Jose, nakatutok ngayon ang Malaysia sa pagbabakuna ng kanilang mga residente.

Aniya, aabot na sa sampung milyon ang nabakunahan ng first dose ng Malaysia at aabot naman sa mahigit apat na milyon ang nabakunahan na ng second dose.

Ito ay katumbas ng 32% ng kabuuang populasyon ng Malaysia aabot sa 32 million.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *