“Most Outstanding TV Actress 2019”
Showbiz

Kris Bernal, kinilala bilang “Most Outstanding TV Actress 2019” ng Gawad Amerikana Foundation

MATAGUMPAY na naiuwi ng aktres na si Kris Bernal ang “Most Outstanding TV Actress 2019” award sa prehistiyosong Gawad Amerikana Foundation.

Sa kanyang official Instagram account, ibinahagi mismo ng aktres ang magandang balita habang hawak ang kanyang tropeyo sa Hollywood.

Ipinahayag ni Bernal kung gaano siya ka-galak na matanggap ang parangal kasama ang iba pang Filipino talents.

Pinasalamatan naman ng aktres ang kanyang mga fans at taga-suporta para sa kanilang pagmamahal at suporta.

Matatandaan na noong Hulyo lamang nitong nakaraang taon nang nagpahayag si Bernal ng kanaisan na makatanggap ng parangal matapos ang kanyang 12 taon sa showbiz industry.

 SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *