patuloy
Showbiz

Kris Aquino, patuloy na lumalaban sa kaniyang autoimmune disease

Kinumpirma ni Kris Aquino ang patuloy niyang paglaban sa kaniyang autoimmune disease.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Kris na patuloy ang pananakit ng kaniyang kanang kamay at tatlong linggo na rin itong inuubo.

Sinabi ng aktres-host na nagpakuha na siya ng blood test.

Nagpapasalamat pa rin ito dahil gaya ng naging resulta noong Nobyembre ay parehas pa rin ito hanggang sa kasalakuyan.

Ayon pa kay Kris, kailangan din niyang labanan ang Anemia at pagkontrol sa thyroid issues na may kaugnayan sa kaniyang pagbabawas ng timbang.

Nilinaw ng queen of social media na kahit hindi man siya masigla ay hindi naman grabe ang kaniyang sakit.

Katunayan ay pinayagan na rin ito ng kaniyang doktor na bumalik na sa trabaho.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *