KPop song na “I Don’t Care”, nag-trending sa Twitter matapos ang Gregorio shooting incident

KPop song na “I Don’t Care”, nag-trending sa Twitter matapos ang Gregorio shooting incident

NAGING malungkot para sa Filipino netizens ang kantang “I Don’t Care” ng Korean pop group na 2NE1.

Ito’y matapos ang insidente nakaraang Linggo sa Paniqui, Tarlac kungsaan binaril at nasawi ang mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.

Nangyari ang insidente matapos ang alitan sa pagitan ng mga biktima at ng pulis na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

Nakuhanan ng video ang nasabing insidente na mabilis na kumalat sa social media at humakot ng kaliwa’t kanang batikos lalo na sa pulis na pumatay sa mag-ina.

Ilang segundo bago binaril si Sonya Gregorio ay sumigaw pa ito ng “I Don’t Care” sa tuno ng hit song ng 2NE1.

Dahil dito ay muling sumikat sa Pilipinas ang mahigit na dekadang kanta ng “I Don’t Care” ngunit sa malungkot na paraan.

Sabi ng isang nagkomento sa kanta, “This used to be one of the most loved kpop songs in the Philippines but now it will be remembered as a tragic song.”

Sinabi rin ng isa pang Twitter kaugnay sa kanta, “Today when we listen to 2en1 song “I dont care” we lit remember a tragedy of the two innocent people. It’s just that I can no longer enjoy the vibe. I hate it, justice is literally what we want.”

“You can listen to 2en1’s ‘I don’t care’ still, but not as same as before,” ayon sa isang netizen.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *