election protest
National

Korte Suprema, magiging patas sa ilalabas na desisyon sa Robredo-Marcos election protest

MULI na namang tiniyak ng Korte Suprema na hindi lulutuin ang ilalabas nilang desisyon kaugnay ng election protest ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ito ang sinabi ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin kasabay ng launching kanina ng kanyang memorabilia dahil sa nakatakda nitong pagreretiro sa October 18.

Nilinaw ni Bersamin na isasalang pa sa deliberasyon ang draft ruling ni Associate Justice Benjamin Caguioa matapos ang recount sa tatlong pilot provinces na tinukoy ni Marcos sa kanyang poll protest kabilang na ang Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Kaugnay nito’y itinanggi ni Bersamin ang mga lumutang na balitang magiging 8-6 ang botohan para ibasura ang draft ruling ni Caguioa na papabor kay Marcos.

Nakatakdang namang pagbotohan ang kahihinatnan ng poll protest ng dating senador sa susunod na en banc session sa Martes, October 15 matapos maipagpaliban ng tatlong beses.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *