Korean supergroup na Twice balak muling bumisita sa bansa lalo na sa Boracay

Korean supergroup na Twice balak muling bumisita sa bansa lalo na sa Boracay

Korean supergroup na TWICE balak muling bumisita sa bansa lalo na sa Boracay.

BALAK muling bumisita sa bansa ng korean supergroup na “TWICE” lalo na sa sikat na Isla ng Boracay.

Sa virtual fan meet ng isang Pinoy clothing brand, masaya ang K-pop group na kahit online lamang ay nakikita pa rin nila ang kanilang mga tagahanga lalo na sa Pilipinas.

Inalala rin ni Momo ang mainit na pagtanggap ng maraming Pilipino sa kanila noong huling punta nila sa bansa noong 2019.

Para naman kay Dahyun, gusto niya muling makita ang nakabibighaning dagat ng Boracay kung muling makabisita sa Pilipinas.

Pagkaing Pinoy naman ang nais subukan ni Momo kapag muling tumapak sa bansa, bukod sa makita nang personal ang kanilang mga taga-suporta.

Ang grupong “TWICE “ay binubuo ng siyam na miyembro kung saan sila ang nasa likod ng mga hit Korean songs na “TT” at “Likey” bukod pa sa bago nilang awiting “Alcohol-Free.”

 

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *