Korean series na Squid Game, naitala bilang ‘biggest series launched’ sa Netflix

Korean series na Squid Game, naitala bilang ‘biggest series launched’ sa Netflix

NAITALA ng streaming platform Netflix bilang kanilang biggest series launched ang sikat ngayon na Korean series na Squid Game.

Nitong Miyerkules inihayag ng Netflix na umabot sa 111 million views ang nahakot nito sa loob lamang ng dalawamput-limanag araw mula nang mailabas ito noong September 17.

Napalitan ng Squid Game ang Bridgerton series na umabot lamang ng 82 million views sa unang dalawanput-walong araw mula nang ipalabas ito.

Naglabas naman ang Netflix ng isang video ng pasasalamat sa mga viewers ng serye.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *