humakot ng parangal
Showbiz

Korean movie na “Parasite,” humakot ng parangal sa 2020 Oscar awards

HUMAKOT ng awards sa prestihiyosong 92nd Academy awards o mas kilala bilang the Oscars ang Korean thriller-comedy na “Parasite”.

Itinanghal bilang Best Picture ang Korean film na umukit ng kasaysayan bilang kauna-unahang non-english film na nakapag-uwi ng naturang award.

Naibulsa din ng Parasite ang Best Original Screenplay, Best Foreign Film at Best Director para kay Bong Joon-Ho.

Iginawad naman ang Best actor awards kay Joaquin Phoenix na gumanap bilang Joker at Best actress kay Renee Zellweger para sa pelikulang Judy.

First time naman na itinanghal bilang Best supporting actor si Brad Pitt para sa pagganap nito sa pelikulang Once A Upon A Time in Hollywood.

Best supporting actress naman si Laura Dern para sa pelikulang marriage story.

Ito ang ikalawang sunod na taon na isinagawa ang Oscars nang walang host.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *