Korean couple Hyun Bin at Son Ye Jin, magkakaroon ng dalawang online Filipino fan meet ngayong buwan

Korean couple Hyun Bin at Son Ye Jin, magkakaroon ng dalawang online Filipino fan meet ngayong buwan

DALAWANG magkahiwalay na online fan meet para sa mga Filipino fans ang naka-iskedyul ngayong Hulyo sa reel and real Korean couple na si Hyun Bin at Son Ye Jin.

Inaabangan na mamayang hapon ng Crash Landing on You fans ang online fan meet ni Son Ye Jin, habang sa July 31 naman ang online fan meet ni Hyun Bin.

Ang event na ito ay inilunsad ng Smart Hallyu Hangouts.

Una nang nagpasalamat si Son Ye Jin sa mga Filipino fans nito at excited ito na makaharap nang personal ang mga Pinoy pagkatapos nitong pandemya.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *