Korean Boyband
International Showbiz Showbiz

Korean Boyband Got7, balik Pilipinas ngayong taon

NAKATAKDANG bumalik ng bansa ang Korean Boyband na GOT7 ngayong taon para sa isang concert.

Ito ay matapos mapabilang ang Pilipinas sa line up ng kanilang “Keep Spinning 2019 World Tour.”

Gaganapin ang much awaited come back ng GOT7 sa Oktubre 26 sa Mall of Asia Arena.

Bago magtungo sa Pilipinas ay magtatanghal din ang grupo sa Australia, Hong Kong, UK, Germany, Spain at France.

Inaasahang ipi-perform ng GOT7 ang mga awitin sa kanilang“Spinning Top” album na nakatakda namang ilabas ngayong buwan.

Taong 2015 nang huling mag-concert sa bansa ang K-Pop group na ito sa Smart Araneta Coliseum.

Ilan sa pinasikat na awitin ng GOT7 ay ang Korean hits na “Hard Carry”, “Just Right” at “You Are.”

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *