Korean actor
Showbiz

Korean actor Lee Dong Wook, magbabalik-bansa sa susunod na buwan

ISA na namang Korean actor superstar ang aabangan ng mga K-drama fans ngayong taon.

Ito ay dahil magbabalik-bansa ang Korean actor na si Lee Dong Wook sa susunod na buwan matapos ang mahigit isang dekada.

Si Lee ay nasa Manila para sa #LoveKorea Culture & Travel Fiesta sa October 5 na gaganapin sa SM Megamall Fashion Hall.

Ang event ay selebrasyon ng ika-70 years ng diplomatic relations ng Korea at Pilipinas.

Sa isang video, sinabi ni Lee na one of Korea’s leading drama wonders na excited siya at masaya na ma-meet and greet ang kanyang mga Filipino fans.

Sa Facebook post ng Korea Tourism Organization Manila Office, free at bukas sa lahat ng fans ang event gayunman, magiging available ang tickets sa limited seats.

Unang bumisita sa Manila ang Korean actor na nakilala sa kanyang pagganap sa K-drama series na “goblin” at “Touch Your Heart” noong 2006 para i-promote ang kanyang drama na “My Girl” na ipinalabas din sa bansa.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *