Kopya ng 2021 General Appropriations Bill, target maipadala sa Senado sa Nobyembre 2

Kopya ng 2021 General Appropriations Bill, target maipadala sa Senado sa Nobyembre 2

TARGET ng Kamara na maiakyat sa Senado ngayong Nobyembre 2 ang naka-imprentang kopya ng aprubadong 2021 General Appropriations (GAB) Bill.

Ayon ito kay House Committee on Appropriations Chairman Rep. Eric Go Yap, iyan na ang pinakamaagang skedyul ng Kamara para sa agarang transmission ng budget bill.

Nauna na nang humirit ang ilang mga senador na maisumite na sa kanila bukas o sa susunod na linggo ang kopya ng 2021 GAB.

Paliwanag ni Yap, ngayong araw pa ma-ipapasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang budget bill pati na ang deadline nito sa mga ahensya ng gobyerno upang magsumite ng kanilang amendments.

Lunes nang susunod na linggo ay isang special team aniya ang susuri sa mga ipapasok na ammendments na susundan naman ng pag-e-encode na aabutin ng limang araw.

Giit ni Yap, kakain ng sampung araw ang paglilimbag ng budget bill sa National Printing Office.

Dahil diyan, sinabi ng appro chairman na posibleng maihabol sa Nobyembre 2 ang pagsusumite ng kopya ng 2021 GAB sa Senado isang linggo bago ang pagbubukas ng senate session sa Nobyembre 9.

Samantala, nilinaw naman ni Yap na hindi nila pinatatagal ang submission ng GAB para lamang magkaroon ng budget insertions ang mga kongresista.

Ani Yap, imposible na makapag-singit ng insertions dahil lahat ng amendments na gusto ng mga mambabatas ay idinadaan sa mga ahensya ng pamahalaan.

Naniniwala din ang kongresista na kung sakali ay hindi nila maabot ang november 2 deadline ay hindi ito magiging dahilan para magkaroon ng re-enacted budget sa 2021.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *