National

Kontrobersiya ni Duterte laban sa Simbahan at sa Diyos

Umani ng kritisismo mula sa mga kristiyano, simbahan, oposisyon at sa taumbayan ang kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pangulong Duterte, “Who is this stupid God? Estupido talaga itong p***** i** kung ganun. You created some — something perfect and then you think of an event that would tempt and destroy the quality of your work.”

Nanindigan naman si Duterte na hindi ito hihingi ng paumanhin sa naging pahayag nito.

Ayon kay political analyst at University of the Philippines Professor Jean Franco na kilala na ang Pangulong Duterte Na sabihin ang anuman ang sabihin nito, maganda man o hindi sa pandinig ng lahat.

Pero posible din aniya dahil sa naging pahayag na ito ng pangulo marami sa mga Pilipino na nagtitimpi lamang sa kaniya ay umabot na sa sukdulan.

Ayon kay  Prof Jean Franco, “Parang ito na yung para sa akin… Siguro kung meron man ang nagtitimpi na nagbibigay ng benefit of the doubt ito yung medyo sukdulan na para sa iba.”

Pero para kay senadora Risa Hontiveros ang pahayag ng pangulo ay panglihis lamang ng atensyon ng taumbayan dahil sa mahabang listahan ng pangako ni Pangulong Duterte na hanggang ngayon ay hindi natutupad.

Ayon sa senadora, “There is one thing President Duterte’s latest remark does: It keeps the public distracted from the burning issues of the day.”

Sinagot ito ng Palasyo na wala itong kailangan pagtakpan dahil mahaba na ang listahan ng mga nagawa ng administrasyon para sa taumbayan sa nakalipas na dalawang taon.

Nagsalita na din sa isyu ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte ukol sa issue.

Para sa presidential daughter, hindi na dapat pakinggan ng taumbayan ang interpretasyon ng kanyang ama patungkol sa bibliya bagkus ang mga sinasabi lang nito na may kinalaman sa trabaho nito bilang pangulo ng bansa.

Ayon kay Mayor Sara Duterte, “Please do not listen to him interpret the bible or quoran, he is not a priest, a pastor or an imam.

He is the President, listen only when he speaks about his work. And criticize him on his work not on his “talkkalese.”

Do not waste your negative energy on his interpretation of the bible, that is his opinion.

He is protected by the Constitutional right to freedom of speech and expression even if he is President.”

Naniniwala si Prof. Franco na ginagawa lamang ng Pangulong Duterte na sabihin ang mga controversial remarks upang subukan at gulatin ang publiko.

Simbahan, apat na taon pang magtitiis kay Duterte

Posible din aniya na magpatuloy ito hanggang sa matapos ang kaniyang termino.

I think we have not seen the last of his tirades against anyone.

That’s how he is going to be for the next 4 years.

So ang tingin ko dapat ikaka-calibrate din ang mga tao.

To what extent will be due importance to what he says.

Of course hindi maiiwasan yun dahil presidente siya.

Kaya siya na he-headline o nalalagay sa news dahil siyempre kakaiba siya doon sa decorum na dapat ini-expect.

Minimum decorum na ini-expect natin sa isang presidente.” – Prof. Jean Franco, Political Analyst

Bumuo ng 4 member committee

Bumuo ng 4 member committee ang Malacañang para makipagdayalogo sa Simbahang Katolika at iba pang religious groups upang matuldukan na ang hidwaan.

Binubuo ito nina:

  • Presidential Spokesperson Harry Roque
  • Pastor ‘Boy’ Saycon na miyembro ng EDSA People Power Commission
  • Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella
  • Cabinet Secretary Leoncio Evasco

Una nang sinabi ng Palasyo na tatalakayin sa dayalogo ang mga pang-aabuso na ginawa ng ilan sa mga pari.

Ito ang naging ugat ng mga pahayag ng pangulo laban sa simbahan.

Dahil maging siya ay naging biktima na umano noong kanyang kabataan.

Ito naman ang payo ni Professor Franco upang maging matagumpay ang dayologo sa pagitan ng simbahan at  Duterte.

“Tama na mag-dialogue. Kaya lang kung mag da-dialogue kayo dapat merong trust and confidence in each other.

Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan ng itong dialogue habang ang presidente ay patuloy na halimbawa siya ang naglalabas ng statement against the church and God.”

Nakatakda ang pagpupulong ni Pangulong Duterte at ni CBCP Archbishop Romulo Valles na gaganapin sa Malakanyang.

Isang free flowing discussion ang inaasahan ng Palasyo sa magiging pag-uusap nina Duterte at Valles dahil sa matagal na rin silang magkaibigan at magkababayan.

 

Ulat Ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *