Kontribusyon ng Filipino health workers sa pandemya, kinilala ng New York City government

Kontribusyon ng Filipino health workers sa pandemya, kinilala ng New York City government

KASABAY ng pagsisimula ng selebrasyon ng Filipino American history month, binigyan ng pagkilalani New York City Mayor Bill Blasio ang Filipino community sa syudad.

Ayon kay Blasio, malaki ang naging kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa sa sektor ng kalusugan sa pakikipaglaban ng lungsod sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Pumapangalawa ngayon ang Filipino community sa pinakamalaking Asian community sa America kung saan karamihan sa mga ito ay nagsisilbi bilang mga doktor, nurses, at health workers.

Aminado si Blasio na kung wala ang mga Pilipinong health worker, mahihirapan ang buong Estados Unidos na malagpasan ang pandemya.

Batay sa datos ng lokal na pamahalaan, nasasangkapat o quarter ng mga immigrant nurses saEstados Unidos ay mula sa Pilipinas.

Kaugnay naman nito, hinimok ni Blasio ang lahat ng New Yorkers naipagdiwang ang kultura at kontribusyon ng Filipino community.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *