Kontra BrownOut Party-list, isinusulong na maibalik sa tao ang pamamahala ng kuryente

Kontra BrownOut Party-list, isinusulong na maibalik sa tao ang pamamahala ng kuryente

ISINUSULONG ng Kontra BrownOut Party-list na maibalik sa tao ang pamamahala ng kuryente.

Ibalik ang pamamahala ng kuryente sa tao, ito ang binigyang diin ni dating Philippine National Oil Company Director at Kontra BrownOut party-list first nominee Mike Macapagal sa panayam ng SMNI news.

Aniya, isa ito sa pangunahing plataporma ng kanilang grupo sakaling palarin sa 2022

Ayon kay Macapagal, ang nangyayari kasi ay napunta na sa kamay ng mga oligarko ang pamamahala ng kuryente.

Naniniwala din si Macapagal na dapat nang amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) Law na ipinasa noong 2000.

Ang EPIRA Law ay naglalayong magkaroon ng kompetisyon, paghihikayat ng market development, pagpaparusa sa mapang-abuso sa market power at iba pa.

Subalit sa tingin ni Macapagal, hindi naman ito naipatupad ng maayos.

Ayon pa sa kanya, kaya hindi bumababa ang presyo ng kuryente sa bansa ay dahil hindi hinihikayat ang free market competition na nakasaad sa EPIRA law.

Samantala, ninanais din ng Kontra BrownOut party-list na may kumpletong auditing na isasagawa sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *